host shot hots, wla lang. =P
after artcomp make-up class, ate lunch with cots and luianna then rode a jeepney to buendia. and then a bus to ortigas...cross your fingers and pray that you won't get lost ariane! this is it. since i still knew where i was, i tried to review my script again for the Nth time. by then the sky was starting to darken already. oh no! i hoped it wouldn't rain. but after a while, i saw the droplets slowly fall... then they multiplied! and seemed angry too. BUMABAGYO NA ATA! waaaaah. i had no umbrella that tym. o hindeeee!!. . . when i sensed that i was in edsa already, i put away my script and started looking intently at the window to check out the view. i wouldn't want to get lost bcoz if i did, i'd be doomed. this girl from the south, knew nothin bout travellin up north noh. huhu. but thank the heavens. when i got down from the bus, i saw this lady and decided to join in under her umbrella.(using my paawa charm!hehe) i was supposed to go to robinson's galleria then find the corporate bldg beside it. but when i looked to see where my feet have taken me, i was there already!! yeay! so i left my id at the guard post and went my way up to the 22nd floor. PIXELEYES Multimedia, that was my goal. . . hooray! i didn't get lost.trabaho na! here we go... voice over muna.3, 2, 1, go!"to read is to write, to write is to know, and to know can give you freedom. . ."*wag masyado mabilis ang pagbabasa. read it as if you're explaining it to a child. *again. more drama sa line na 'to whew! andami pala tlga nung lines. shoot naman behind green screen.*action!*big smile pa ariane.*may konting acting to.hehe*smile pa.*take 2*good shot*smiiiiiilllllleeeeeee....last shot na. why do i keep on saying "congratulations" instead of "goodluck to all of you"?? damn it. hahaha..natapos din at last. 5 hours of gruelling work. haha. but it was fun! and it was new for me. now i know how it feels. hehe.. kapagod din pala. nakakangawit ngumiti forever. at ang boses ko, napiga ang kadramahan at kaartehan. hihihi.. nkauwi nmn ako ng maluwalhati at naresist ko ang temptation na pmuntang mall of asia tska starbucks afterwards. hahaha.. sakit n kc ng ulo ko non eh. "and once again welcome to the Powerbooks team!"*CUT!- - -
a pain in the butt called online enrollment
Naiinis na ako. Ang hirap pigilan ang sarili. Mahirap na maupo na lamanag habang nakatulala sa isang madilim na hinaharap na puno ng pait. Wala kang magawa kundi maghintay sa sandaling iyong pinakaaasam. Pero wala namang nangayayari. Wala namang pagbabago. Kung pwede lang sumigaw, magpumiglas, magwala! Ayan na.. Sasabog na.. Umiwas kayo kung ayaw niyong masaktan. 3.... 2... 1.. 0. K A B O O O O M ! ! ! Pakshet! Ang hirap mag-enroll! Bakit ganitoooo!.. huhuhu.. ayoko na. kaya nga ba hindi ako gumawa ng sked ng maaga dahil alam kong hindi naman masusunod!!!! Sarado na yung ibang slots. Grrrrr. . . Lecheng system yan! Puro hang! DUH! Stupid online enrollment na palpak! Ano na mangyayari?!! Terror profs here I come!... Waaaaaaahhh... Pag ako may binagsak na kahit isang subject lang, lilipat na lang ako ng school. UP HERE I COME! hahaha... itutuloy ko na lang yung dream ko dati na mag-UP! Grrrr... talaga. Naiinis na ako! Ano ba yan!.... This better work soon or else, ibabalibag ko sa LRT tong PC ng Gox. bwahahahaha... I AM SO FRUSTRATED AND PISSED! Forget the evil tindera, this gets the cake in pissing me off the most! SheeEeeet!
evil tindera!
ang hahaba pala ng posts ko recently. napansin ko lang. hehe.. sige try nating iklian..yesterday was a great day. una sa lahat walang pasok dahil kay typhoon glenda and secondly, our phone line's back! yehey. pero wag ka, nasira ang fantabulous na araw na toh because of one evil old hag of a tindera! grrrr... magkatapat kc cla ng isang tindahan, so dapat by now sanay na cla sa competition. and as a buyer instead of being grouchy to me, they should even act nicely if they want to sell more. eh anak ng boogie! ang arte nya! ayaw b naman ako pagbilhan ulit. i bought one na nga from her out of respect, tas pmunta lng nmn ako sa kbila to check out some other stuff pero i went back nmn tas aba! nag-inarte ang bruhang yon! grrrr.. kung ayaw nya kong pagbilhan edi wag! her loss noh. tas i asked kung pwede kong isoli yung bnili ko earlier, oo naman daw kaya go! buti di ko hinagis sa mukha nya yung magic flakes! hehe. tas padabog din nyang binalik yung pera ko. kaya kinuha ko at once sabay sabing, "HINDI NA KO BIBILI DITO KAHIT KELAN!" hmph. tas pmunta ako sa kabilang tindahan para bumili and i hope she saw that! grrrrr. . . . nagngingitngit talaga ako sa galit. as in seething with anger talaga! haha. =Pwell anyway. that's that. ang importante, wala ulit pasok! hihihi.. yey!.. just hope i can make my day more productive than yesterday. haha.
Sorbetero, pirates and a chicken.
It has been a movie weekend for me! Yeay!Last Friday the gals and I (plus Gio, Kevin, Sam, Mary, Joy, Sudoy & Jason) went to CCP to watch an entry for Cinemalaya. The movie was entitled "Saan Nagtatago si Happiness?". Nga pala, bago kami nakarating dun, super nakakatawa kami ni Janna kasi kami ay mga batang kapos sa "budjey" at that time. Anyway, 9pm pa ang start nung movie kaya naman since 330 natapos ang class ay naghagilap muna kami ng mga bagay na magagawa sa buhay. (kain, chika, nuod bball game, naudlot na videoke, then dorm ni kzia) OKAY. So balik tayo sa usapang movie. Sa totoo lang di ko masyado nagustuhan yung movie. Siguro dahil sobrang nagandahan kami sa napanuod naming last year na "Pepot Artista" kaya naman anlaki ng expectations naming sa "happiness". At medyo hindi kasi nameet ng movie na to ang mga expectations na yun. Magulo ang cinematography at sa props ay halatang super low-budget ito. Medyo ang labo din ng over-all feel or ambience nung movie. And more importantly, hindi umubra samin yung ending. Parang nung natapos siya, "Yun na yun??!!!" ang nasabi namen. Tsk tsk tsk… Hindi kami naresolve at nasatisfy sa naging katapusan nung movie. Madaming hindi malinaw at maraming naiwang bitin. Labo. Pero after nung movie, pichur pichur taym!! Pati dun sa cutie-pie at makulit-looking na batang part nung cast! (Siya yung bata dun sa Bituing Walang Ningning. Hahaha.) Tas wag ka ha. After, we then ate at Dencio’s courtesy of Janna’s mom. Naku Janna, happy birthday talaga kahit hinde! Hehe. Medyo late na rin kami natapos kaya salamat sa Diyos at nakasakay naman ako ng fx pauwi at di ko na kinailangang bumalik ng Taft para mag jeep-to-jeep adventure ulit! Haha. Eto pa, medyo naa-amaze na talaga ako at lately medyo hindi na big deal sa bahay na late nako umuuwi minsan. Wala ng World War na nagaganap pag late akong umuuwi. Waw. Asensado na ko ah! Hehehe. =P The next day(Saturday), balik skul na naman para sa Lecture ekek para sa Philo. Tapos balik Las Piñas na naman ulit. I guess I’ll just have to enjoy the Coastal Road forever. Haha. . . . Met up with Jojo and we watched Pirates of The Caribbean (Dead Man’s Chest) sa SM Southmall. YAHU!!!! At last napanuod ko na rin. Ang ganda ganda ganda ganda!!! Makes me wonder how they make movies like that. I super love the comedy! Lalo na ang mga kakengkoyan ni Johnny Depp as Capt.Jack Sparrow. Pero oo nga, tama nga sila, super bitin nga! Huhuhu..parang isang malaking preparation lang siya for the third movie. Grrr.. But, I really enjoyed it nonetheless. Tapos we met up naman with Maple and bought our gift for Julienne. Then off we went to her house coz there was a party. Mabait na bata ako khapon at medyo maaga ako umuwi ah. Kasi kagabi late na yun diba? Hehehe.. Nabadtrip lang ako bigla dun kasi may isang tao na nagsuplado. Naku ha. Kailangan bang pansinin ang taong hindi ka naman pinapansin?? Hmph.Bahala xa. Nakakatawa nga ang hirit ni Mark Lugtu eh. Pero sikret na lang namin kung ano yun! Hehehe. Kanina naman(Sunday), pinanuod naming ng kuya ko yung DVD ng Chicken Little na hiniram ko kay Lars. Hehe Ang cute talaga nung manok na yun! Hihi.. Sorbetero, pirate, chicken.PAHABOL: shit. Maulan na naman ang panahon. I hate it. Grrrrrr. . . . At nga pala, ala n nmn kaming telepono which means no internet!!! Kaya balik buhay-ermitanyo na naman ako. takti naman oh. Huhuhu.. Pero saglit lang nmn toh pramis. Hahaha.
habang hindi pa ko nag-aaral sa intreco
SHALLOW WATERS- got our manila bags already! sana di ko madumihan agad!hehe.. c kizia binilhan ni sam.haha. c marcia, coming soon! ^_^
- heard news that ma'am pearlie, our 4th yr adviser was leaving for the US this coming friday already. i even busted my butt trying to organize people and other stuff only to find out that she will be leaving next month pa pala! waaaaaaah. bummer.
- kumpleto na ulit ang string s ng gitara ko! pinalitan na ng kapatid ko yung napigtal nya(though ayaw pa umamin!haha)
- happy sa midterm grade in philper! yahu sa pagsali namin ni toni ng SOPHIA.
- nanuod kmi ni jptej kanina sa ampi ng imago at kala. di namen naabutan yung first band eh. pero ayos lang!! ang cute cute ni aya of imago and c kala dude!!
- rumampa si maryka of gmg sa catwalk! haha. she was very pretty!
- despite the odds, i still managed to conjure up a magical article for my hw in filipi2. yey!
DIVING DEEP Having a perfect family is what I've always wanted but everybody knows it's not possible. Every family has their own flaws, their own problems, their own secrets. Bickering amongst relatives is almost always present. Well ANYWAY. . . Ang bigat ng loob ko. Nabasa ko yung mensahe at natuwa naman ako. Natuwa ako at kahit papano may pakialam naman pala ang kahit isa sa kanila. Sabagay, hindi nga naman dapat damay ang mga anak sa away ng mga magulang. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko namana talagang maging malapit kami sa isa't isa. Kaming LAHAT. Pero hindi kasi yon ang nangyari eh. Sa mga di inaasahang pagkakataon, naging malayo ang mga kalooban, naging magkalayo ang mga buhay, kahit na kung tutuusin, magkalapit lng ng mga tahanan. . . Ngayon sa nilalaman ng mensahe, hindi ko masyadong maintindihan pero parang may mali. Bukal sa loob na payo lang ba yung mga yun o produkto lamang ng mga maling balit a at chismis na kinukwento ng iba??? Bakit may nararamdaman akong may mga naninira sa likod ko? Pero hindi naman lingid sa kaalaman kong parating may nakamasid sa paligid. Nakikinig sa mga usapan, nakatingin sa bawat kilos... Alam kong sa bawat pagkakataong magkakasalubong kami, sinusuri nila ako nang mula ulo hanggang paa. Haaaay. . . Sana lang mali ang mga hinala ko. Pero madalas kasi hindi ako binibigo ng kutob. Ewan. Pero ang sarap ng pakiramdam na may nagmamalasakit. Dahil kami man ay nagmamalasakit din. Masayang malaman na may pag-asa naman talaga. Mapayapa na nga naman sa lupain ng mga giyera. . . sa ngayon. Pero ika nga sa INSTUDI . . . "peace is only the preparation for war" sana mali ito.
surf dance
sunday- feeling ko lalagnatin ako pero salamat na lang sa magic Biogesic ni Ate Clarence, hindi ito natuloy! yehey.
- mtv shoot para sa requirement in FILIPI2 with clrnce,kizia,jana,toni at francis
- what did we do? namasyal. hahaha.. at nagsaya!
- pero take note. kapag ang mga tao ay may limitadong budget, kailangang mag-isip ng mabuti para ma-maximize ang fun at enjoyment!
- kami ay kumain sa mcdo at kumain din sa jollibee (o db!)
- nag-bike sa may ccp!
- nag-window shopping sa starcity.. bumili ako ng earrings! yey.
- nag-videoke este nagwala sa harap ng maraming tao.pati si toni kumanta ha!
- si clarence, jana, francis at ako ay sumakay sa pinakabagong ride ng Star City ang SURF DANCE! aba aba. "sulit na sulit to" ika nga ni jana.. matagal yung ride at nakakawindang. para kang nilagay sa isang giant "halo-halo" machine.. as in yun, ang magaganap sa mga lamang-loob mo talagang maghahalu-halo sila! tanungin nyo na lang si Francis na salamat sa Diyos ay di natuloy ang pagsuka. hihihi. =P
- 60php yung ride... trenta lang ang bayad pero dun ka sa gilid sasabit! piso pero ikaw yung papalit sa manequin na nakadapa sa may taas. harharhar!
- plus acting acting sa may dorm ni clrnce.. hihihi.
- kinabit ko yung mga glow in the dark stars sa dingding
- bumili ng chocolait bago sumakay ng bus.
- nagtulug-tulugan at tinakpan ang mukha kasi freaky yung katabi ko sa bus
- umuwi.nagpahinga.tas nagsimba.
- bow!
O L D E R ?
there comes a moment in every person's life where we tend to pause for a second and try to assess ourselves, where we are right now and what we're supposed to do. . .
right now, i'm having one of those moments. i'm wondering.
"matanda na ba ako?"
well the other day while riding the bus home, keithleen and i were having this conversation on how a lot of GMG members will be graduating soon. and all that would be left are some of us plus the newbies and trainees. its scary to even think of clarence's position on this issue. so i guess it means that we're no longer the babies that we once were in GMG. those ahead of us will be leaving soon and now we're kinda taking their place to guide others and make them feel welcome. its sad if you think about it really. i remember the days when martin, clarence and i were new in GMG and were always nervous and shy to face the other members and how we would call most of them "ATE!" (pero yung guys never nmen tinawag na kuya! hehe.bt kya?)
and then yesterday i hosted this Confluence Cocktail at the Angelo King Convention Center ng CSB. it was a very formal event and i even wore a black cocktail dress(nyay! hehe.) it was very fun to do the event even if joanne(my partner) and i had no script to begin with. it was actually a very simple event where people are supposed to interact. there were students from dlsu, dls-csb, admin people, and some industry partners(company reps) and being in the middle of them all was quite a new experience for me. hosting was not the question. it was the "mingling" thing that boggles me. i had absolutely no batchmate there and i was the youngest amongst everybody in that hall. so during the interaction time, joanne and i had to interact as well. lucky for her, she knew some people. but as for me, i think that seeing a few familiar LaSallian Ambassadors there was already a blessing for me. but im glad to say that i faired out well naman. i had to be all formal and introduce myself and shake hands in such a dignified way that would probably make my friends wonder if that was really me.(haha) most of the people i met asked if i was already graduating too, but i said i was only in my second yr. so then i thought to myself, "don't worry ariane, one day, you'll get there!" i was bewildered on how mature i was supposed to act at that time. but it was very fun and interesting nonetheless. :)
also, i recieved a call from Happy(my pool head a.k.a mentor) last night and was surprised at the news that since she would be leaving for Germany for the 2nd term, i would be taking up the position of "acting-pool head" or officer-in-charge for the mean time while she's away.. this was something big for me. i love my pool and what we do, and now, being able to be given this oppurtunity is such an honor . i just hope that i will be able to do a good job with all of the new responsibilities. . . just a while ago, i attended a meeting of the EB's(Executive Board) and pool heads already. whew. iba din ang feeling ah. kinda scary na kinda fun.
growing up is a natural thing. but once you think about all of the responsibilities and new things that it comes with, be careful not to get blown away or scared. parang nalungkot nga ako ako bigla. i'm still a kid if you ask me. i'm in no hurry to grow up. . . being 18 pa doesn't help either. together with all the "adult ka na" snippets here and there. pero i am sure na i will do what i should. after all pa, i want to do so many things in life diba? so i better work hard.
goodluck na lang sa cramming, procrastination at katamaran na bumibisita once in a while. . . ^_^
(oh and martin, if you're reading this, "i miss u". i nid ur mature advices or funny quips ryt now. either will do) hahaha. . .=P
eto lang ang masasabi ko.
"bata pa ko noh!"
and i can still be as jologs, korni, childish and playful as i want. pero i will do what situations call for and demand of me naman so don't fret!
11:40
~~~ halika't sumukob sa payong kong dala sa tindi ng unos ikaw ay umiwas na patak na mababangis iyong takasan wag kang mangamba hindi kita iiwan
susubukang ikubli ka sa ligtas kong yakap ito na ang sandaling bahagi ng pangarap sa iyo ay walang makakadampi ni isang luha ng mabagsik na langit
wag nang mag-alinlangan ako'y narito handang samahan ka sa bagyong ito walang dapat na ipag-alala aking mahal halika na ~~~ Wala naman akong pag-aalayan ng tula na yan, naisipan ko lang talaga magsulat. Umuulan kasi ngayon at mag-isa lang ako sa bahay. Masaya kasi tahimik pero malungkot din. malungkot. malamig. tahimik.
~~~ Lokong CHED yan. Kung kelan ba naman ako nakarating ng skul, saka pa naisipang magkansela ng mga klase. At symepre, dun ko pa unang nalaman sa mabait na kuya guard na nagtawid sakin sa kahabaan ng Taft Avenue. Labag pa naman sa kalooban kong pumasok kanina. Pero dahil mabait akong bata, sinagupa ko ang matinding ulan at hangin. Hinatid pa nga ako ng nanay ko sa bus gamit ang "GIANT PAYONG" namin para di ako mabasa pero waepek pa rin. Nag-intay ako sa bus ng halos isang oras habang medyo basa pa sa ulan tapos malalaman kong kanselado naman pala????!!!! Swerte nga naman oo. *Pakshet* hahaha.. =P Kaya bonding na lang with Clarence and Jana. Wala si Kizia eh, chumuchuva ata. haha. Tapos pauwi, kasabay ko pauwi ang kaibigan kong si Jp(csb). ~~~ Umuulan pa rin sa ngayon at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mabadtrip. Sana walang pasok bukas. ~~~ Gusto ko ng CHAMPORADO!!! (x _ x)
tumawa ka naman!
it's been a long time since i've last had a R E A L good laugh. kanina, habang nasa yellowcab, sa sobrang kakatawa, naiyak ako!.. hehe.. ganun talaga ako pag sobrang natatawa na. napapaiyak!.. though bihira lang mangyari yun. especially lately.(naalala ko tuloy si dexsad bigla) ewan, nakakamiss matawa ng sobra. tska c martin din na-miss ko. super napapatawa nya ko eh. aww. well anyway. natawa ako ng sobra! yung tipong hinanap ko na yung panyo ko para magpunas ng luha! takang-taka naman yung mga guys kung bakit ako naiyak sa kakatawa. kami na lang ni kizia ang nakakaalam nun! *sniggers* + *evil laugh* well. asteg na kasama ang mga ECE na yun! haha. ang kukulit ng lahi!masarap tumawa. parang nawawala yung mga problema sandali. parang lumabas lahat ng sama ng loob ko at pagod. nagulat ako kasi naalala kong ganun nga pala ang tumawa. yung tipo ng tawang bukal sa loob. totoo at sincere! hehe. even my soul seemed happy at that time. . . yun lang. kaya guys, don't forget to laugh.. it's good for you. happy birthday gio! salamat.
kaunting pahapyaw lamang
andami kong gustong ikwento pero sa sobrang dami hindi ko maisip kung saan ko sisimulan. marami rami din akong tinayp pero binura ko din agad. bad trip! ^_^ kwento ko na lang ang kahapon. tumungo ako sa church dito sa may samen upang gawin ang Church Service namen. nagkita kami ni jp doon at hinanap kung saan naroon ang photo shoot sana na ginagawa. pinuntahan na nga namin ang bahay ni kuya mark(yung in charge samen) para tanungin kung tuloy ba talaga. nalaman na lang namen na hindi na pala. na-move pala ang sked kasi nga daw maulan ang panahon at nagrereklamo ang mga "manananggal" ng simbahan. hehehehe. . . tapos napadpad kami ng sm. sinamahan ko siyang bumili ng long-sleeved polo para sa debut khapon din. grabeeeeh! talaga nga palang vain na rin ang mga lalaki ngayon. hehehe.. libutin ba nmn namin ang buong sm southmall at wala pa ring napili kahit isa! waw! kaya tumungo kami ng alabang town center! hehehe.. ayun sa wakas may napili din! at i agree kasi gusto ko din yung napili nya! tas bumili ako ng pambalot para sa gift na hindi ko pa alam kung meron ako.haha. ah basta. ang kulit ng shopping experience with jp! kapagod pero dahil ako ay taong masaya kahit palakad-lakad lng. ayos! masaya mag-polo hunting! dami ko pa na-realize along the way. ^_^ share ko lng pla, na ang lakas ng ulan non! grabe! nawindang yung payong ko. hihi.. tapos sa debut. ayun. masaya. hehe. nakakatawa ang mga hirit ni darren as usual.(dahil xa ang naghost) at nakakatuwa ding manuod ng mga taong sumasayaw. got home at around 11 or 12 na ata. and the best part is, i had to wake up at 4am kinabukasan para sa powerbooks shoot sa greenbelt! gudluck nmn diba? hehe.. pero nakipag-debate pa kasi ako kay jave tungkol sa kahalagahan ng media at ang halaga ng comm arts kaya na-late pa ko ng tulog!hehe.. o ayan, kanina na toh... sinamahan ako ni mama sa shoot kasi gusto dw niya manuod. though one shot lng nmn tlga kanina. nakakatawa kasi napagkamalan pa kong staff ng powerbooks nung manager dahil sa shirt na suot ko(uniform nila). at sa shoot. napagtanto kong dapat ko palang praktisin ang pagngiti on cue!hehehehe... mirror here i come! i luv hosting!(btw ang saya nung ECES event nung friday) on the way pauwi, simahan ko si mama sa palengke. naku! sanay nmn ako pumunta doon. pero kanina ko lang narelaize ang masklap na sinasapit ng mga isda!! lalo na yung mga tilapia! buhay pa sila!!! tapos maya maya ay ilalagay na sa table para idisplay sa mga bibili. chosko! eh kitang kita ko yung paghihikahos nila. trying so hard to grasp for air. with their gills slowly moving up and down.. and their mouths, as if trying to whisper their last words. huhuhu. tapos habang iniisip ko yang mga yan.... biglang TUMALON yung dalawang isda! hehehehe.. nalaglag tuloy sila sa sahig. ayan kasi! ang likot eh. wala na naman silang takas. :P sabi ko tuloy kay mama, sa ibang araw na lng xa bumili ng tilapia. pag di na ko kasama. hehehe..
B U S Y
Kay bilis talaga ng panahon.Parang kailan lamang ng mag-umpisa ang taong ito sa eskwela. Tapos sa isang iglap, di ko man lamang namalayan na Midterms na pala. (amibilis! haaay.) Siguro gano'n lang talaga ang buhay sa La Salle. Mabilis ang inog, mabilis ang takbo, mabilis lahat. Ngayon ko iniisip kung naihanda ko nga ba ng tama ang sarili ko sa mga pagsubok ng taong ito. Kasi parang masyadong lumilipad ang utak ko kung kaya't di ko na namamalayan ang ilang bagay-bagay sa buhay. Tsk tsk tsk... Alas tres ng madaling araw ngayon at kasalukuyan akong gumagawa ng paper para sa PHILPER. Kailangan kong "magic-in" ang tatlong mahihiwagan pahina sa loob ng ilang oras lamang. (Nyay!) Hindi talaga tama na ipagpaliban ang trabaho lalo na kung ito ay importante. Dahil kung hindi, maiipit ka. Pero di ko mapigilan eh. Tingnan mo ngayon, bakit ako nagba-blog?(hehe) Sige. Tama na muna ito. Balik muna ako sa paggawa nung paper ko(may dalawang pagsusulit pa ako mamayang kaunti). PAHABOL: Ang buhay ko ngayon ay: A B A L A.--> pahingi naman ng oras
trip lang to.
napadpad ako sa blog ni marcia kanina.. nakita ko to sa kanya and found it interesting kaya naisipan kong sagutan din, para masaya diba! kaya mga kaibigan eto na..... ang buhay ko daw, ayon sa isang online quiz-thingie!hehehehe.... ayan! Ariane Astorga's life so far: *drumroll* comment: natawa ako dun sa love life part! bwahahahahaha... yikes nmn diba! pero buti pa yung spirit ko masaya! hehehe... anyway, it's just a simple quiz. hindi nmn dapat kong sabihing gospel-truth ang nandito diba. and ang babaw naman kung seryosohin natin to. it's just for fun! hehehehe.. ang saya! ^_^ anong masasabi mo?
this is a short one.
well guys. disregard the previous post because just before final rehersals began, the host showed up. so there. and of course i let her do the hosting already. ^_^ yeay. too bad i had fuss over what to wear and other stuff.. duh. thank you so much to bancs at happy for being my angels in times of great need. after Gawad... nuod SUPERMAN sa g4. hehe.. di ko masyado nagustuhan. saka na ibang kwento. antok nako. ^_^
|