i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Wednesday, July 12, 2006
11:40

~~~
halika't sumukob sa payong kong dala
sa tindi ng unos ikaw ay umiwas na
patak na mababangis iyong takasan
wag kang mangamba hindi kita iiwan
susubukang ikubli ka sa ligtas kong yakap
ito na ang sandaling bahagi ng pangarap
sa iyo ay walang makakadampi
ni isang luha ng mabagsik na langit
wag nang mag-alinlangan ako'y narito
handang samahan ka sa bagyong ito
walang dapat na ipag-alala
aking mahal halika na
~~~
Wala naman akong pag-aalayan ng tula na yan, naisipan ko lang talaga magsulat. Umuulan kasi ngayon at mag-isa lang ako sa bahay. Masaya kasi tahimik pero malungkot din.
malungkot. malamig. tahimik.
~~~
Lokong CHED yan. Kung kelan ba naman ako nakarating ng skul, saka pa naisipang magkansela ng mga klase. At symepre, dun ko pa unang nalaman sa mabait na kuya guard na nagtawid sakin sa kahabaan ng Taft Avenue. Labag pa naman sa kalooban kong pumasok kanina. Pero dahil mabait akong bata, sinagupa ko ang matinding ulan at hangin. Hinatid pa nga ako ng nanay ko sa bus gamit ang "GIANT PAYONG" namin para di ako mabasa pero waepek pa rin. Nag-intay ako sa bus ng halos isang oras habang medyo basa pa sa ulan tapos malalaman kong kanselado naman pala????!!!! Swerte nga naman oo. *Pakshet* hahaha.. =P
Kaya bonding na lang with Clarence and Jana. Wala si Kizia eh, chumuchuva ata. haha. Tapos pauwi, kasabay ko pauwi ang kaibigan kong si Jp(csb).
~~~
Umuulan pa rin sa ngayon at hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mabadtrip. Sana walang pasok bukas.
~~~
Gusto ko ng CHAMPORADO!!! (x _ x)


You say... (1)
from Blogger that girl:

chumuchuva ka jan! ahahahaha! quality time together lang 'toh noh.. hahahha!

10:31 AM

 

Post a Comment

go back home