i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Monday, November 27, 2006
dance pose watch smile!

saturday:
call time was supposed to be 6 in the morning, and guess what time i arrived? 8:30!!! wahehe. it was for the 20th Dacelebration event. it was a dance contest among different schools, both for high school and college. it was a very tiring day indeed! i had to do all sorts of things like run here and there, cut up some things, paste some things, push alone a 10 feet(im just guessing) tall machine with a person on top of it(ito kc ung genie ng tya), play traffic enforcer and peace officer to excited and nervous contestants, take some photos, and some other stuff. oh and i was happy to be able to officially use the headset even for just a few minutes.

the contest was very fun to watch. all the contestants were very interesting. their props, styles and gimmicks were simply amazing. up diliman won int street category and i thought they really were the best because of their fantastic props, gimmick and all other etchos they put into their act. their theme was 'movies'. for the jazz category, i think it was the ateneo cads who won. oh, and to think that ate jemie and i almost wrecked their props! i accidentally stepped on one of their bamboo sticks for their tinikling stint, and i did hear it crack. i wan't even finished saying sorry yet, when ate jemie stepped on it too! hahaha.. laughtrip! but we fixed it anyway with some scotch tape! thank goodness it worked.

sunday:
i finally started on my photo essay! yeay! early in the morning, i met up with maple, jp, and adi at the philam village park. isaac and charles were also there for a bit. we weren't even halfway done yet when a guard passed by and told us to stop because it was not allowed daw. apparently, some nosy villager reported us to the guards and told them that we should stop. what the heck! as if we were doing anything wrong? we had to have the permission of the clubhouse daw first, eh it was closed naman. and then we started with this sort of battle. on one side, it was the helpless security guard, and on the other, it was me, maple, adi and jp, who by the way are some of the best speakers DLA has ever seen! nyahahaha. joke! mga wannabe-lawyers ito noh! gagawa na nga kami ng law firm namin sa future! hahaha... kawawang manong guard. pero magalang pa rin naman kami eh. ah basta. mga batang ayaw paawat! so it ended with us going to the main securioty office and calling up the village president(i think) and ask for his permission. thank heavens for jp who was a homeowner there. haha. our next location was somewhere near jp's place. grabe! we were cooked to a crisp under the heat of the scorching sun! ask my actors and they'll tell you how excruciating it was to act and get your tongue all diried out because of the heat! hehehe.. i luv u guys! ur the best! but it was such a laugh trip! the scenes shot were very funny and not to mention their costumes! hihihi.. there was even a kissing scene involved, but so as to protect their dignities, i will not spill! =P

let's hope and pray that Ms.Umali will choose ten photos already so i won't have to reshoot! waaaaaaaaah. . . .


happy feet!

late in the afternoon, well almost in the evening, i met up with jave. we watched happy feet!!! yehey! i was so excited to watch this film. it was uber cute in many parts. but i can't help but feel that some parts were too scary. i mean, if i was a little kid, i would be very scared to watch some of the scenes. we also thought that it was an eye-opener/environmentalist movie/let's open the youth's eyes type of movie all boxed up in a very colorful and enticing box. weird. pero i enjoyed it a lot ha! don't get me wrong.



oh and...
hold my hand and i won't let go. even in your darkest moments, i will not let go. don't be afraid to be alone coz i'm here. always was, always will be. =)

saturday:
call time was supposed to be 6 in the morning, and guess what time i arrived? 8:30!!! wahehe. it was for the 20th Dacelebration event. it was a dance contest among different schools, both for high school and college. it was a very tiring day indeed! i had to do all sorts of things like run here and there, cut up some things, paste some things, push alone a 10 feet(im just guessing) tall machine with a person on top of it(ito kc ung genie ng tya), play traffic enforcer and peace officer to excited and nervous contestants, take some photos, and some other stuff. oh and i was happy to be able to officially use the headset even for just a few minutes.

the contest was very fun to watch. all the contestants were very interesting. their props, styles and gimmicks were simply amazing. up diliman won int street category and i thought they really were the best because of their fantastic props, gimmick and all other echos they put into their act. their theme was 'movies'.

Tuesday, November 21, 2006
lamok lamok!

things to remember:

* ang ganda ng uste! ang sarap magpicture doon lalo na pag gabi! maraming maraming salamat kay jave sa pagsama sa aking night photography travels. wala akong masabi! ang saya sa uste, maluwang! hindi katulad sa dlsu na masikip ang mundo! hehehe. =P

* andun na naman yung tindahan of sweets, delicacies etc sa may skul. ang sarap sarap ng mga tinda nila! yema, crinkles, lengua de gato, banana chips, fish crackers, shing-a-ling, polvoron, lahat na!!!! yummiyumyum.

* nga pala, iaadvertise ko yung breaded isaw dun sa may estrada! for 5php bawat tuhog, masarap na, mura pa!

* nakapag-enrollment na kami para sa next term. chosko! mas mahirap na buhay ba iyon? sana hindi naman.

* nairaos ang debut ni danika, nagawa ko ang script at nakarating ako ng on time pa rin naman kahit na nagka-sira sira na naman ang plano dahil naiwan ko ang susi ko sa bahay. napa-impromptu duet nga pala kami ni dexsad ng crazy4u. hehe

* dapat ko nang tapusin ang pagbabasa ng Like Water for Chocolate.

* try not to think too much about fotocam lest you end up crazy.

* weirdly, ngayon na lang ako ulit nakapagpuyat in a long time. i ususally end up sleeping early and doing things in the morning na eh. naku... haha. that explains my ym absences in the evenings. =p

* may dvd na ko ng High School Musical at John Tucker Must Die! bwahahahaha... tska nagpapakabangag sa Spongebob na pinahiram ni dexsad. Pati pala yung romantic ekek movies marathon ko di pa tapos. naku. tska yung isa pang dvd ni jave. nyay! buti pa yung Finding Nemo napanuod ko na! hahahaha... so many dvds so little time! crap.

* ang ganda ng weather! maaraw na hindi todo mainit. mahangin pa nga pag hapon eh. tapos pag gabi, medyo malamig na! asteeeg.... nakikita ko na din ulit ang constellation ko sa sky! haha.

*andaming lamok sa paligid! raaaarrrrr!

Thursday, November 16, 2006
wretched wednesday

Yesterday was one big roller coaster ride of emotions.

Umaga. isang matinding away ang naganap. may mga sugat na makikita. pero ang dapat na katakutan at pagtuunan ng pansin ay yaong mga hindi nakikita ng mata- yoong mga sumusugat at nag-iiwan ng marka sa puso at isipan.mga luha ay pumapatak di dahil sa lungkot kundi dahil sa galit at poot. galit at poot. salamat at lalo akong tumatapang dahil dito.

Bago magtanghali. dalawang mayayabang na kalalakiha nang muntik nang umubos sa aking pasensiya. pinigilan ang sarili at sinubukan ang kabaitan. sampal marahil ang aabutin nila sa akin kung sila ay nagtagal pa. pasalamat sila may natutunan ako mula sa kanila. darkrum. darukrum. darkrum. salamat sa kaunting kaalaman.

Tanghalian. isang kaibigan ang nagparamdam. matagal nang hindi nakikita at nakakasama. isang sulyap sa nakaraan. sabay talikod. sabay tawa. salamat sa tanghalian.

Hapon. paglalakbay patungo sa malayong lugar. tinungo ang isang dayuhang palabas para madagdagan ang kaalaman. siguro para na rin tumakas sa mundo. nakakapagpalaya ang paglalakbay. salamat sa pagkamulat.

Gabi. mahiwagang musika ang pumalibot sa paligid. inamo ang nagngangalit na kaluluwa. napakaganda. pasko na. salamat. salamat. salamat!

Gabi. natapos ang pelikula at nagtulak na pauwi. sa daan ay nagpumilit tumulo ang mga nagtago at kunalimutang mga luha. salamat na lamang sa pagkontrol ko.

Gabi. isang lugar lang ang alam kong maaari kong takbuhan. sa kanya. siya. ligtas sa kanyang mga yakap. ligtas sa kanyang tabi. tahimik. mapayapa. mga luha'y pumatak ngunit nandiyan ka naman. salamat.


Nakakapagod.

Friday, November 10, 2006
happy, tired and addicted

Kapag may Comm Arts student na nagsabi sayong busy siya, maniwala ka sa kanya. Maniwala ka samin. Maniwala ka sakin.

Tumitingin ako sa paligid ko ngayon at nakikita kong mas madami na ang wrinkles ng mga tao. mas maiitim ang eyebags, mas maraming nakabusangot. Nang minsang nasa Photo Lab, napatingin na lang ako sa bawat lumalabas sa dark room. Hindi pa ata ako nakakakita nang may lumabas dun at ngumiti pagtingin sa mga litratong nagawa nila. Madalas ay nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay, habang masusing tinititigan ang larawang pinaghirapang kuhanan, tiyagain sa enlarger at ilubog sa mga kemikal. Huwag nating kalimutan na ang mismong paghahanap sa film na ginamit ay hindi rin madali. Haaaay. . . Medyo maswerte pa nga ako at hindi ko nakuha ngayon ang ilan sa mga kilabot na prof ng departamento. Pero kahit na, isali mo pa rin ako sa listahan ng mga "over-stressed na Comm Arts students". Haaaay...

Patunay sa malungkot na buhay? Eto.
Kung tutuusin wala naman talaga akong pasok tuwing Miyerkules, pero ni minsan ay hindi pa ako pumlya sa pagpunta ng eskuwelahan. Madalas may meeting, kelangan magtrabaho sa darkrum o di kaya ay pumunta sa library para magresearch at kung anu ano pa. Kailan kaya dadating ang isang Miyerkules na nasa bahay lang ako o di kaya ay namamasyal? Haha. Tatawa na lang ako. Nitong nakaraang Miyerkules lamang ay ganon na naman. Nag-student assistant ako sa umaga, nag-darkrum sa hapon mag-isa(nakakatakot! amp) at nag-library pagkatapos(mag-isa din oo). Siyet. Napaka-nerd naman nun! Tsk tsk tsk.

. . . huminga muna tayo.




(inhale. . . .)








(exhale...)






ayos.



game! Kaya wag na kayo magtaka kung minsan hindi ako kumikibo masyado tapos mamayang onti naman ay parang naka-droga na ko sa kakulitan. Ganon lang talaga. Pag tahimik ako, nag-iisip yun. Tapos pag nang-ingay na, ibig sabihin, sumuko na dun sa iniisip. Bwahahahahahahah! Tulad na lamang nung sa Litera game, ultimo prof namin di ko pinatawad sa kakulitan at kakengkoyan. Sa sobrang ka-hyperan ko, baluktot na ang inggles ko at dinaan ko na lang sa charades at sound effects yung iba sa mga sinasabi ko. Nyahahahaha.... Ang saya saya. -88 na nga ang score namin, pero todo tawanan pa rin kami ng masaya kong grupo. Hihi. Magaling! Panalo naman talaga kami kung absolute value ang titingnan diba? =P

Lumalamig na nga rin pala ang simoy ng hangin. Nagbabadya na ang Kapaskuhan. Ito pa naman nag pinakapaborito kong panahon. Ehem..(send ur gifts..) Ehemm... hahaha.

Sana magkabit na ang lahat ng tao ng Christmas lights para naman sumaya ako kapag gabi na ako umuuwi. Masarap tumingin sa mga ilaw kapag gabi eh. Nakakapagpasaya sa pagod at malungkot na batang tulad ko.


Ay hindi pala ako malungkot! Hehe. Masaya ako. Ika nga ng paborito kong kaibigan, "we're not just fine, we're great!..." awww. . .


Ayan nakangiti na ako. :)

Kapag may Comm Arts student na nagsabi sayong busy siya, maniwala ka sa kanya. Maniwala ka samin. Maniwala ka sakin.

Tumitingin ako sa paligid ko ngayon at nakikita kong mas madami na ang wrinkles ng mga tao. mas maiitim ang eyebags, mas maraming nakabusangot. Nang minsang nasa Photo Lab, napatingin na lang ako sa bawat lumalabas sa dark room. Hindi pa ata ako nakakakita nang may lumabas dun at ngumiti pagtingin sa mga litratong nagawa nila. Madalas ay nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay, habang masusing tinititigan ang larawang pinaghirapang kuhanan, tiyagain sa enlarger at ilubog sa mga kemikal. Huwag nating kalimutan na ang mismong paghahanap sa film na ginamit ay hindi rin madali. Haaaay. . . Medyo maswerte pa nga ako at hindi ko nakuha ngayon ang ilan sa mga kilabot na prof ng departamento. Pero kahit na, isali mo pa rin ako sa listahan ng mga "over-stressed na Comm Arts students". Haaaay...

Patunay sa malungkot na buhay? Eto.
Kung tutuusin wala naman talaga akong pasok tuwing Miyerkules, pero ni minsan ay hindi pa ako pumlya sa pagpunta ng eskuwelahan. Madalas may meeting, kelangan magtrabaho sa darkrum o di kaya ay pumunta sa library para magresearch at kung anu ano pa.

Saturday, November 04, 2006
KISS (keep it short and sweet)

I've wanted to make a new post for so long. But the last time I tried, my pc just went mad. Grrr. Damn viruses. If anybody out there wants to lend me a good antivirus software, just give me a shoutout okay? hehe.

Lately I find myself sleeping quite earlier than usual. Well, I guess it's kindof a good thing since I've also been waking up earlier than usual too.


Ooopsss. I guess we'll have to end here for the meantime. A friend already texted to wake me up. It's time to go to Quiapo. Sheeesh.

Ciao for now! =P