i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Friday, November 10, 2006
happy, tired and addicted

Kapag may Comm Arts student na nagsabi sayong busy siya, maniwala ka sa kanya. Maniwala ka samin. Maniwala ka sakin.

Tumitingin ako sa paligid ko ngayon at nakikita kong mas madami na ang wrinkles ng mga tao. mas maiitim ang eyebags, mas maraming nakabusangot. Nang minsang nasa Photo Lab, napatingin na lang ako sa bawat lumalabas sa dark room. Hindi pa ata ako nakakakita nang may lumabas dun at ngumiti pagtingin sa mga litratong nagawa nila. Madalas ay nakakunot ang noo at magkasalubong ang mga kilay, habang masusing tinititigan ang larawang pinaghirapang kuhanan, tiyagain sa enlarger at ilubog sa mga kemikal. Huwag nating kalimutan na ang mismong paghahanap sa film na ginamit ay hindi rin madali. Haaaay. . . Medyo maswerte pa nga ako at hindi ko nakuha ngayon ang ilan sa mga kilabot na prof ng departamento. Pero kahit na, isali mo pa rin ako sa listahan ng mga "over-stressed na Comm Arts students". Haaaay...

Patunay sa malungkot na buhay? Eto.
Kung tutuusin wala naman talaga akong pasok tuwing Miyerkules, pero ni minsan ay hindi pa ako pumlya sa pagpunta ng eskuwelahan. Madalas may meeting, kelangan magtrabaho sa darkrum o di kaya ay pumunta sa library para magresearch at kung anu ano pa. Kailan kaya dadating ang isang Miyerkules na nasa bahay lang ako o di kaya ay namamasyal? Haha. Tatawa na lang ako. Nitong nakaraang Miyerkules lamang ay ganon na naman. Nag-student assistant ako sa umaga, nag-darkrum sa hapon mag-isa(nakakatakot! amp) at nag-library pagkatapos(mag-isa din oo). Siyet. Napaka-nerd naman nun! Tsk tsk tsk.

. . . huminga muna tayo.




(inhale. . . .)








(exhale...)






ayos.



game! Kaya wag na kayo magtaka kung minsan hindi ako kumikibo masyado tapos mamayang onti naman ay parang naka-droga na ko sa kakulitan. Ganon lang talaga. Pag tahimik ako, nag-iisip yun. Tapos pag nang-ingay na, ibig sabihin, sumuko na dun sa iniisip. Bwahahahahahahah! Tulad na lamang nung sa Litera game, ultimo prof namin di ko pinatawad sa kakulitan at kakengkoyan. Sa sobrang ka-hyperan ko, baluktot na ang inggles ko at dinaan ko na lang sa charades at sound effects yung iba sa mga sinasabi ko. Nyahahahaha.... Ang saya saya. -88 na nga ang score namin, pero todo tawanan pa rin kami ng masaya kong grupo. Hihi. Magaling! Panalo naman talaga kami kung absolute value ang titingnan diba? =P

Lumalamig na nga rin pala ang simoy ng hangin. Nagbabadya na ang Kapaskuhan. Ito pa naman nag pinakapaborito kong panahon. Ehem..(send ur gifts..) Ehemm... hahaha.

Sana magkabit na ang lahat ng tao ng Christmas lights para naman sumaya ako kapag gabi na ako umuuwi. Masarap tumingin sa mga ilaw kapag gabi eh. Nakakapagpasaya sa pagod at malungkot na batang tulad ko.


Ay hindi pala ako malungkot! Hehe. Masaya ako. Ika nga ng paborito kong kaibigan, "we're not just fine, we're great!..." awww. . .


Ayan nakangiti na ako. :)


You say... (3)
from Blogger Maple:

oww.. dark room.. hmm...

naaalala ko ang movie na Shutter.. hala ka!!! hehe

dapat nagpasama ka skn... dream ko atang ma-experience ang feeling ng nsa dark room..

mukhang exciting! nyahaha! kaya mo yan gurl. masaya naman eh, diba? ;)

10:57 PM

 
from Blogger My Pink Office:

sige, txt mo n lng ako pag nakapuslit ka na sa loob ng dlsu okie? hehe.

oo masayang nakakapagod.

thnx. :)

10:25 AM

 
from Blogger Maple:

sige, hanap ka ng kamuka ko tpos ihiram mo ko ng id pra makapasokako.. wuhoo! :P

9:27 PM

 

Post a Comment

go back home