i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Sunday, July 23, 2006
Sorbetero, pirates and a chicken.

It has been a movie weekend for me! Yeay!


Last Friday the gals and I (plus Gio, Kevin, Sam, Mary, Joy, Sudoy & Jason) went to CCP to watch an entry for Cinemalaya. The movie was entitled "Saan Nagtatago si Happiness?". Nga pala, bago kami nakarating dun, super nakakatawa kami ni Janna kasi kami ay mga batang kapos sa "budjey" at that time. Anyway, 9pm pa ang start nung movie kaya naman since 330 natapos ang class ay naghagilap muna kami ng mga bagay na magagawa sa buhay. (kain, chika, nuod bball game, naudlot na videoke, then dorm ni kzia) OKAY. So balik tayo sa usapang movie. Sa totoo lang di ko masyado nagustuhan yung movie. Siguro dahil sobrang nagandahan kami sa napanuod naming last year na "Pepot Artista" kaya naman anlaki ng expectations naming sa "happiness". At medyo hindi kasi nameet ng movie na to ang mga expectations na yun. Magulo ang cinematography at sa props ay halatang super low-budget ito. Medyo ang labo din ng over-all feel or ambience nung movie. And more importantly, hindi umubra samin yung ending. Parang nung natapos siya, "Yun na yun??!!!" ang nasabi namen. Tsk tsk tsk… Hindi kami naresolve at nasatisfy sa naging katapusan nung movie. Madaming hindi malinaw at maraming naiwang bitin. Labo.


Pero after nung movie, pichur pichur taym!! Pati dun sa cutie-pie at makulit-looking na batang part nung cast! (Siya yung bata dun sa Bituing Walang Ningning. Hahaha.) Tas wag ka ha. After, we then ate at Dencio’s courtesy of Janna’s mom. Naku Janna, happy birthday talaga kahit hinde! Hehe. Medyo late na rin kami natapos kaya salamat sa Diyos at nakasakay naman ako ng fx pauwi at di ko na kinailangang bumalik ng Taft para mag jeep-to-jeep adventure ulit! Haha. Eto pa, medyo naa-amaze na talaga ako at lately medyo hindi na big deal sa bahay na late nako umuuwi minsan. Wala ng World War na nagaganap pag late akong umuuwi. Waw. Asensado na ko ah! Hehehe. =P


The next day(Saturday), balik skul na naman para sa Lecture ekek para sa Philo. Tapos balik Las Piñas na naman ulit. I guess I’ll just have to enjoy the Coastal Road forever. Haha. . . . Met up with Jojo and we watched Pirates of The Caribbean (Dead Man’s Chest) sa SM Southmall. YAHU!!!! At last napanuod ko na rin. Ang ganda ganda ganda ganda!!! Makes me wonder how they make movies like that. I super love the comedy! Lalo na ang mga kakengkoyan ni Johnny Depp as Capt.Jack Sparrow. Pero oo nga, tama nga sila, super bitin nga! Huhuhu..parang isang malaking preparation lang siya for the third movie. Grrr.. But, I really enjoyed it nonetheless. Tapos we met up naman with Maple and bought our gift for Julienne. Then off we went to her house coz there was a party. Mabait na bata ako khapon at medyo maaga ako umuwi ah. Kasi kagabi late na yun diba? Hehehe.. Nabadtrip lang ako bigla dun kasi may isang tao na nagsuplado. Naku ha. Kailangan bang pansinin ang taong hindi ka naman pinapansin?? Hmph.Bahala xa. Nakakatawa nga ang hirit ni Mark Lugtu eh. Pero sikret na lang namin kung ano yun! Hehehe.


Kanina naman(Sunday), pinanuod naming ng kuya ko yung DVD ng Chicken Little na hiniram ko kay Lars. Hehe Ang cute talaga nung manok na yun! Hihi..


Sorbetero, pirate, chicken.


PAHABOL: shit. Maulan na naman ang panahon. I hate it. Grrrrrr. . . . At nga pala, ala n nmn kaming telepono which means no internet!!! Kaya balik buhay-ermitanyo na naman ako. takti naman oh. Huhuhu.. Pero saglit lang nmn toh pramis. Hahaha.


You say... (5)
from Blogger Niko Batallones:

Malakas pa naman hype dun sa movie na iyon. Anyway I wished I got to watch Tulad ng Dati. Eh hindi eh.

11:11 PM

 
from Blogger Maple:

Waah! Sana bumalik na fone nyo agad! huhuhu. tapos, ayos lang yan, ako nga d ko pa naexperience manood ng cinemalaya sa ccp eh. aww.

tapos, at kelangan tlgang ikwento ung suplado? hahaha. ayihee. peace! kaya mo yan dear. :)

1:09 PM

 
from Blogger My Pink Office:

to niko: onga mgnda nga daw yun sabi nung frind kong nakapanood nun.

to maple, hayaan mo, next year gora tayo. hehe. yung sa suplado naman, hayaan mo xa. hahaha. watever.

4:39 PM

 
from Blogger heidi:

naku.. parang kilala ko yung nagsuplado sa yo ah... heheh..
bakit ka nga ba sinupladuhan?.... x_x

11:53 PM

 
from Blogger My Pink Office:

ewan ko dun! hehehe..

ayaw lng dw nya.

yaan mo xa. dadami wrinkles nya! jwk. =)

11:17 PM

 

Post a Comment

go back home