i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Wednesday, July 19, 2006
habang hindi pa ko nag-aaral sa intreco

SHALLOW WATERS
  • got our manila bags already! sana di ko madumihan agad!hehe.. c kizia binilhan ni sam.haha. c marcia, coming soon! ^_^
  • heard news that ma'am pearlie, our 4th yr adviser was leaving for the US this coming friday already. i even busted my butt trying to organize people and other stuff only to find out that she will be leaving next month pa pala! waaaaaaah. bummer.
  • kumpleto na ulit ang string s ng gitara ko! pinalitan na ng kapatid ko yung napigtal nya(though ayaw pa umamin!haha)
  • happy sa midterm grade in philper! yahu sa pagsali namin ni toni ng SOPHIA.
  • nanuod kmi ni jptej kanina sa ampi ng imago at kala. di namen naabutan yung first band eh. pero ayos lang!! ang cute cute ni aya of imago and c kala dude!!
  • rumampa si maryka of gmg sa catwalk! haha. she was very pretty!
  • despite the odds, i still managed to conjure up a magical article for my hw in filipi2. yey!

DIVING DEEP

Having a perfect family is what I've always wanted but everybody knows it's not possible. Every family has their own flaws, their own problems, their own secrets. Bickering amongst relatives is almost always present. Well ANYWAY. . .

Ang bigat ng loob ko. Nabasa ko yung mensahe at natuwa naman ako. Natuwa ako at kahit papano may pakialam naman pala ang kahit isa sa kanila. Sabagay, hindi nga naman dapat damay ang mga anak sa away ng mga magulang. Kung ako ang tatanungin, mas gusto ko namana talagang maging malapit kami sa isa't isa. Kaming LAHAT. Pero hindi kasi yon ang nangyari eh. Sa mga di inaasahang pagkakataon, naging malayo ang mga kalooban, naging magkalayo ang mga buhay, kahit na kung tutuusin, magkalapit lng ng mga tahanan. . . Ngayon sa nilalaman ng mensahe, hindi ko masyadong maintindihan pero parang may mali. Bukal sa loob na payo lang ba yung mga yun o produkto lamang ng mga maling balit a at chismis na kinukwento ng iba??? Bakit may nararamdaman akong may mga naninira sa likod ko? Pero hindi naman lingid sa kaalaman kong parating may nakamasid sa paligid. Nakikinig sa mga usapan, nakatingin sa bawat kilos... Alam kong sa bawat pagkakataong magkakasalubong kami, sinusuri nila ako nang mula ulo hanggang paa. Haaaay. . . Sana lang mali ang mga hinala ko. Pero madalas kasi hindi ako binibigo ng kutob. Ewan. Pero ang sarap ng pakiramdam na may nagmamalasakit. Dahil kami man ay nagmamalasakit din. Masayang malaman na may pag-asa naman talaga. Mapayapa na nga naman sa lupain ng mga giyera. . . sa ngayon. Pero ika nga sa INSTUDI . . .

"peace is only the preparation for war"

sana mali ito.


You say... (0)

Post a Comment

go back home