Kay bilis talaga ng panahon.
Parang kailan lamang ng mag-umpisa ang taong ito sa eskwela. Tapos sa isang iglap, di ko man lamang namalayan na Midterms na pala. (amibilis! haaay.)
Siguro gano'n lang talaga ang buhay sa La Salle. Mabilis ang inog, mabilis ang takbo, mabilis lahat.
Ngayon ko iniisip kung naihanda ko nga ba ng tama ang sarili ko sa mga pagsubok ng taong ito. Kasi parang masyadong lumilipad ang utak ko kung kaya't di ko na namamalayan ang ilang bagay-bagay sa buhay. Tsk tsk tsk...
Alas tres ng madaling araw ngayon at kasalukuyan akong gumagawa ng paper para sa PHILPER. Kailangan kong "magic-in" ang tatlong mahihiwagan pahina sa loob ng ilang oras lamang. (Nyay!)
Hindi talaga tama na ipagpaliban ang trabaho lalo na kung ito ay importante. Dahil kung hindi, maiipit ka.
Pero di ko mapigilan eh. Tingnan mo ngayon, bakit ako nagba-blog?(hehe)
Sige. Tama na muna ito. Balik muna ako sa paggawa nung paper ko(may dalawang pagsusulit pa ako mamayang kaunti).
PAHABOL:
Ang buhay ko ngayon ay: A B A L A.
--> pahingi naman ng oras
Post a Comment
go back home