Isang Panawagan
sa panulat ni A.C.A.
Bagyong dumaan ay nag-iwan ng bakas
ng kanyang hagupit, lupit at lakas
Sa sandaling panahon lahat ay huminto
nagulat, naiyak, natakot at nanlumo
Tunay na kayrami mga taong nagdurusa
nawalan ng tirahan, kabuhayan, kapamilya
Sisikaping tumayo at mabuhay muli
para sa sarili, sa angkan, sa lahi
Ngunit mahirap magsimula sa wala
mula sa impyernong kalamidad ang may sala
Kaya’t ito’y panawagan sa lahat ng nakatindig
Tayo’y kumilos at magkapit-bisig
Sadyang kayrami ng dapat ayusin
Kalianga’y aksyon, puso at panalangin
Kung hindi kumikilos ang nasa itaas
Tumingin sa sarili’t hanapin ang lunas
Ang unos na dumaan ay maaaring maulit
Kaya’t pahalagahan ang bawat saglit
Mga kapatid ay ating akayin
Bago umihip muli ang hangin
Unahan ang tubig na muli’y babagsak
Isilong ang mga sa hirap nasasadlak
Sa ating tatag ay walang titinag
Masisilayang muli ang mahal na liwanag
- - -
Kwento sa likod ng tula: Nalulungkot ako at hindi ako personal na makapunta sa mga relief operations kaya't minabuti kong isulat na lang ang aking mga saloobin. Huwag niyo sanang tawanan ang pananagalog ko. (o ang pagtatangka) Naramdaman ko lang na mas mainam ito para sa pagkakataong ito. :)
Post a Comment
go back home