i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Friday, May 18, 2007
CLA Day 2 - LPEP 2K7

Assistant sounds dapat ako eh. Pero may inasikaso kami ni Reg kaya kinita namin si Clarence sa condo niya. Kaya umalis kami ng Sports Complex at nilakad ang hanggang condo ni Clrnce. Medyo malayo ito at medyo sobrang napaka-init pa naman! waaaah. pawis, magulong hair at over-all kadugyutan ang resulta nito friends. yack. hahaha. Holy Kamote ba naman! Bigla akong kinailangan to host kasi wala pa si Kizia na dapat sanang host nun.

Waaaah. Ako ay naka-shorts at tsinelas lamang! Wala akong dalang make-up at wala ng panahon para magmake-up. sows!! Hindi pang-host material kumbaga! hehe. Ayoko din naman humarap sa madlang public na mukhang basahan. hehe. Mabuti na lang at matino ang blouse na sinuot ko kanina. (swerte nila!) Pinahiram ako ni Clrnce ng palda, nagayos ako ng mukha at ayun! Lumipad na kami ni Reg pabalik ng Sports COmplex. Pagdating namin dun, malapit na talaga yung part ng host. waaaaaah!!! Ayaw nila pumayag na naka-tsinelas lang ako kaya pinahiram ako ni JOy ng black na chucks niya. yikes. binigay sakin ni Nikkibau ang mga bling2x niya. nanghiram kami ni Jana ng hair iron sa LSDC-Street pero walang epek kasi minadali at pasaway ang hair ko. last ditch effort to at least look decent tapos ayun! sugod na sa gitna ng gymnasium to host with Sir Redgie. Waaaaah. Ni hindi ko nasilayan kung ano ang itsura ng outift kong iyon. mukha ba akong ewan? haha. Yaan mo na! Karirin na lang ang paghohost para di na halata ang minadaling get-up. whew. ok naman. hahaha... u owe me one big time guys. tsk tsk... buti na lang College of Liberal Arts iyon (my college) kundi... hahaha. jwk! para sa gmg eh. ganun talaga.. nax! =P

kinagabihan, dinner with GMG sa greenbelt. chubby china ang destinasyon. sumabay kami ni majoy sa kotse ni bancs together with keithleen. maya maya, pinara kami ng isang Makati traffic enforcer dahil sa isang violation pero dahil sa magical powers, charm, drama at fake tears ni bancs, kami ay pinalusot! woohoo! kinabahan pa naman ako nun kasi akala ko totoong umiiyak na siya. amazing! palakpakan naman jan! :P

nabuo nga pala kanina ang FAMILIA DE LA POBRE! pero take note, british ang accent ng Pobre Family. Ganun talaga, we have to talk fancy because in reality we are pobresitos and pobresitas. hahaha. :P laughtrip talaga. si nikkibau ang POBRE SR., si majoy ang POBRE JR., at ako si POBRE III. don't forget manong magsy ang POBRE ANCESTOR. wahahaha. memorable. thank you nga pala kay Mami Ria!! *kiss* :P Andaming GMG na pumunta, parang napaaga ang reunion na dapat ay sa June pa. hehe. msarap na kwentuhan nga pala kaming LP girls habang pauwi. nabitin ako. haha.

hep hep hep. i have homework to do pa... gotta go! ciao dear blog! :D


You say... (0)

Post a Comment

go back home