i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Sunday, January 07, 2007
notbuk at bolpen

Time's slipping away...


oh so quickly.



The moments of bliss are now . . .



g o n e.
Balik eskuwela na kami bukas. Uggghhh. . . I'm soooo dreading it. Pero naisip ko, it's inevitable naman eh. Kaya better make the best of it na lang diba? Naisip kong pagbutihin na lang ang studies. Kunwari, excited ako para sa mga classes ko. Tulad nung first year pa lang ako... I was excited to learn back then. Very excited. Kaya dapat lang na tularan ko ang spirit at enthusiasm ko no'n para maging maunlad akong muli! Yeahboi! hahahahaha.... Goodluck naman talaga.
Nga pala, nanuod kami ni mama ng pyro olympics kahapon. Grabe! Pasalamat si batman at nagpapakabait na ko ngayon. Pinigilan kong sumabog sa inis. Hindi ko na lang ikukwento. Arrrrgh... But let me just say that the experience was ten miles away from the ideal one. Or maybe let's make it twenty.
Galing akong SM kanina para bumili ng school stuff. Bagong notebooks at ballpens. Masusi kong pinagpilian ang mga choices ko. Matinding pagninilay-nilay ang aking pinagdaanan upang makapili ng mga tamang sandata para sa digmaan. Halos isang oras ako sa pagpilil lang ng tamang notebook. Bakit? Ganito kasi yan... Magandang kaledad ng papel, tamang sukat, kaaya-ayang disenyo ng pabalat at makatotohanang presyo, ito ang mga pamantayan para sa isang magandang susulatan a.k.a notebuk. May nagwagi mga kaibigan. Kulay asul po ito. wahehe. . . dahil sa kulay nito, tiyak na hindi ko ito pagsasawaang titigan. ;P (f.y.i, paborito ko pong kulay ang blue) Yung isa pang notebuk na binili ko, kulay rosas naman. Medyo may kabaklaan ako sa pagpili ng maliit na kwadernong ito. Napaka-girly niya kasi at may babae pa sa pabalat. hahaha. Ito ang magiging aking noteuk number 1. Bumili din pala ako ng diskette na kulay berde. Wala lang.hehe. Dalawa din ang ballpen na binili ko. Para kapag nawala ang isa (which is very likely) mayroon nang substitute sandata agad. Red at yellow po ang kulay nila. (pero ang tinta ay itim) Mga kulay ng apoy. Bwahahahaha. Laban na kung laban mga kapatid!!! Nagkita nga din pala kami ni Jave kanina, siya naman ay may suot ng t-shirt na brown. Trip ko lang ikwento yung kulay. hehehe.
Guys this is it.
Brace yourselves Comm Arts people.
The ride has just begun.
Waaaaaaaaaaaaa! . . . . . . . .


You say... (0)

Post a Comment

go back home