i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Monday, December 25, 2006
Meri meri meri!!!

Aba'y akalain mo nga naman, PASKO NA PALA! Oo, pasko na. As in, ito na talaga yung araw na pinakahihintay natin buong taon. Akalain mo nga naman oo.

Hala sige, babati muna ako...

Maligayang Pasko sa lahat! (naks, parang politiko lang a!)

Game na.

Tuwing Pasko, madaming mga bagay ang pumapasok sa isip ko. Tulad ng kung bakit kapag pasko lang nagkakaroon ng lisensiya ang mga bata na maglaboy kapag gabi at mamasko sa abot ng kanilang mga matitining na boses. Pero 'wag ka, minsan, malalalim na ang boses nila - palatandaan na sila ay hindi na mga paslit. Oo, minsan, matatanda din ang nagka-carolling. At iba iba ang estilo. Minsan, dalawa lang sila. Minsan tatlo. Minsan naman, isang batalyon. Yung iba may dalang gitara. Yung iba, kahit na ano lang, basta kumakalansing. Yung iba naman, vocal prowess lang talaga ang sandata. Di bale nang hindi abot ang nota. Di bale nang mag-imbento ng sariling tono at lyrics. Hehe. Basta ang importante, sana ay maabutan ng kaunting halaga. Kung tutuusin, magandang raket ito. Ako man ay ginawa ito kasama ang aking mga kaibigan dati. Naku, matanda na ba ako? ... Nga pala, "Boom tarat tarat" na ang uso ngayon sa carolling. Laos na ata yung "Ang Pasko ay sumapit..." Lecheng Willie Revillame talaga.

Naiisip ko din na bakit tuwing pasko lang nauuso ang bigayan ng regalo. Napipilitan ang mga tao na iwanan ang kakuriputan sa loob ng mga aparador nila, para makapagbigay ng mga regalo. Pero huwag niyo itong mamasamain ha! Gustung-gusto ko ang mga regalo. (Kaya ipadala na, hindi pa huli ang lahat! hehe) Naku, isa pang isyu yang mga ninong at ninang na iyan. Bakit ba minsan sa isang taon lang sila nagpaparamdam at nagpapaambon ng grasya? At bakit hindi nagpaparamdam ang ilang ninong ko? At bakit sila nasa ibang lupalop kung saan hindi ko sila mahahagilap? Hahaha. Alam ba nilang malaki-laki na ang utang nila sa 'kin? Tsk tsk.. =P

Kanina sa simbahan, napaisip din ako. Bakit kapag Christmas Eve Mass dumadami ang taong nagsisimba? Para bang biglang dumadami ang populasyon ng subdivision namin tuwing mga ganitong okasyon.(pati kapag New Year's Eve Mass, dalawa lng yan) Nasa'n ang mga taong ito kapag regular na Linggo? Ano kaya ang sumasapi sa kanila at naiisip nilang magsimba bigla? Aba, pati tatay ko nagsimba kanina. Amazing noh? Palakpakan naman diyan! *clap clap*

Usapang costume naman tayo. Kanina sa simbahan, iba iba din ang gayak ng mga tao. Siyempre karamihan sa mga tao, bago ang mga damit. Pasko eh. May mga batang naka-gown pa at mistulang aattend ng debut. hehe. May mga nakapambahay lang. Ang iba nagkulot pa ng buhok para lang sa gabing iyon. May bilang ng mga batang lalaki na puro naka-pink na shirt. Kasali ang kapatid ko dito. haha. Uso na ba talaga sa mga lalaki ang pink? Pero habang naglalakad pauwi, may nakita din akong kakaiba. Ang matalik na kaibigan ng Kuya ko kasama ng kapatid niya, ay nakapula at may headband na may pulang sungay. Waw! Lakas trip din eh noh. Dalawang demonyong nakatambay sa tabi ng bahay nila (with loud backround music), sa bisperas(disperas, ako'y nalilito) ng pasko. Ang nanay ko naman, todo naka-business attire pa. Si Papa naman, parang Valentine's Day lang. Striking red ang t-shirt niya. Naku, anu ba toh, nang-ookray na ba ako? Hehe. Napapansin ko lang naman eh.

Ay, kapag pasko din, hindi maiiwasang magsitabaan ang mga tao. Puro pagkain ba naman ang kaharap mo kahit saan ka lumingon, pano ka nga naman makakaiwas. Control ang dapat matutunan natin mga kapatid sa pananampalataya. May isa akong kaklase na nagtext sakin ng 'walang diet diet'... Napareply nlng ako ng 'ta*na'... hehe. Cake, salad, softdrinks, fried chicken, lechon, embotido, ham ... lahat na. Pumikit ka na lang para ligtas ka. Haha!

Eto pa pala, chosko! Napakaraming nagtetext at bumabati ng Merry Christmas. Sa kabatuhan nga ay pumili ako ng aawardan ko bilang most unique greeting. Ang nagwagi ay si Ginoong Eric Siy ng GMG! (palakpakan ulit!) *clap clap* hahaha. Panalo! May Taco Bell pang nadawit sa mensahe niya. Siguro tiba-tiba ang mga network ngayon dahil sa laki ng demand para sa services nila. Ay naisip ko nga din pala, bakit mas mahilig tayong magpadala ng mga pabati na ito tuwing Dec.24? PArang mas madami kesa sa Dec.25. Hehe. Mas exciting ata kasi kapag 24. Ewan. Minsan nga naiisip kong mas masaya ang 24 kaysa sa 25. Ano sa tingin niyo? Sige para kayo naman ang mag-isip puro na lang ako eh.

Pero alam niyo ba, kahit andaming bumabati, medyo nalungkot pa rin ako. Yung inaasahan ko kasing pinakamasayang bati sa lahat, eh medyo... ah eh. Hindi tulad ng inaasahan ko. Baka naman masyado lang ako mag-expect, pero wala naman tayong masisisi. Naiintindihan ko naman. *sigh*

Teka, madami pa akong nais ibahagi sa inyo dahil sangkatutak pa ng mga naiisip ko, pero mahirap nang labanan ang antok. Oo, ika-25 na ng Disyembre taong 2006. Yehey.. Ang oras ngayon? Ah eh.. Medyo late na. Hehehe. Ah basta, sige. Next time na lang ulit. Inaantok na talaga ako.

Maligayang Pasko ulit! Pakabait na tayong lahat. =P


Zzz z z z ... . . . . . x_x


You say... (0)

Post a Comment

go back home