i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Tuesday, October 24, 2006
i love you sunshine!

Nawalan ako ng oras, gana at interes na magblog nitong huli. Pero sige, eto na. hehe. =P

**

Madaming nangyayari sa paligid at kasabay nito ang mabilis ring ikot ng mundo. Paano naman ako makakasabay? Pilitin ko mang tumakbo at humabol ay tila hindi nababawasan ang malaking pagitan mula sa akin at sa realidad ng kasalukuyan. May mga dapat asikasuhin, mga dapat harapin, mga dapat unahin, mga dapat pahalagahan, mga dapat pag-isipan, mga dapat damhin. . . Sino ba naman ako para harapin ang lahat ng ito nang sabay-sabay? Hindi ako ganoon kagaling, kalakas, katapang. . . Kaya kung minsan ay mas ninanais ko na lamang na tumahimik at magtago mula sa magulong mundo. Dito sa aking kanlungan, ako'y ligtas. Dito ako'y hindi masasaktan. Dito mayroon akong ilaw ng pag-asa. Dito, dito... oo dito.

Madami akong nais ipahayag at sabihin sa mundo ngunit hindi maaari. Ayoko.

Hahayaan ko kayong manghula. Malas mo nga lang kung magkamali ka.

**

Masaya ako ngayon. Unang-una sa lahat dahil walang pasok! Yehey. Mabuhay ang mga kapatid nating Muslim at ang kanilang selebrasyon! Masaya ako dahil maganda ang sikat ng araw nitong mga nakaraang araw. Mapapansin ding medyo lumalamig na ang simoy ng hangin, isang pagbabadya sa nalalapit sa kapaskuhan. Masaya ako na sa kabila ng magulo at makulit kong buhay ay mayroon pa ring mga taong nandyan sa aking tabi. Masaya ako at nakahanap ako ng Colpan na film noong nag-adventure ako ulit sa Quiapo noong Sabado. Masaya ako at nagkita kami doon ni Clarence nang hindi pinag-usapan. Masaya ako dahil nakita ko si Lito Atienza sa TV. Bakit? Nasa Hidalgo kasi siya noon, eh doon ako papunta. Galing. Masaya ako dahil madami akong natutunan tungkol sa pagme-make-up care of Irish (da master) Yao. Masaya ako at kulot ang hair ko noong Biyernes, care of Red ng Innersoul and his magical hair plantsa. Masaya ako dahil lakas fudtrippin kami ni Jave. Goodluck na nga lang sa kanya dahil ang dami niya palang allergy sa pagkain. Hehehe... Masaya ako dahil nilibre ako ni Niko kahapon ng higanteng ice cream. Strawberry at Rocky Road sa wafer cone! Yummmm yumm. . .

Masaya ako at ang ganda ng sikat ng araw! It really makes me happy.

**

Wala naman akong pakielam na. Wala talaga.

**


Oo masaya ako, kaya pwede ba, walang magulo!


Salamat. Bow!


You say... (4)
from Blogger Niko Batallones:

Ang pera ko! P55 din yun. Huhuhu. :D

6:19 PM

 
from Blogger My Pink Office:

yumm yummm... thanks niko! :P

10:08 PM

 
from Blogger that girl:

hellooooo ate! wala lang napadaan lang .. :)

4:07 PM

 
from Blogger My Pink Office:

halooo ate! happy birthday sa inyo ni papa sam! =P

6:02 PM

 

Post a Comment

go back home