i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Wednesday, June 28, 2006
miyerkules

Ito ang mga bagay na dapat pag-isipan ko sa araw na ito:

  • Bakit kailangang may ipis pa sa mga tahanan?
  • Pwede ko bang akuin na lang ang sipon at sakit ng ulo ng nanay ko?
  • Kapag ubod ng arte ang katabi mo sa bus, magpigil ka dahil kung hindi baka masapak mo siya sa mukha at matauhan siya sa katotohanang hindi siya batang kolehiyala kaya dapat niyang ayusin ang pag-uugali niya! haha.
  • Pati mga maiingay na kaklase dapat ding pagtimpian lalo na kung mas marami sila kaysa sayo. hehe.
  • Huwag magtiwala sa lasa ng juice ng 10-Q. (blaah...)
  • Ang natural na color ay masaya sa paa.hahaha
  • Nagbigay ako ng tip kanina, aba himala ata.
  • Pinag-iisipan talaga dapat ang mga aplikante sa isang trabaho.(salamat Filipi2.wahehe)
  • Magpasalamat sa mga kaibigang nililibre ka ng pagpapa-print at pagpapa-enlarge ng proyekto sa ARTCOMP. hehe. Salamat Niko! ^_^
  • Paminsan-minsan, nakakatulong ang pagwawala at pagkanta sa videoke para gumaan ang mga problema sa buhay.
  • Masayang kanta ang "Upside-Down" ng A-Teens. =P
  • Magbaon ka ng payong kung sa tingin mo ay malaki ang chansang umulan!
  • Masarap ang mga tinda sa kalye (Siomai, kwek2x, camote cue!) kahit na umuulan.
  • Mag-ipon ng maraming enerhiya kapag may rehersal at prod. Kailangan ito.
  • Ang GAWAD MAG-AARAL ay isang napakahabang programa. Sana ay hindi mabagot ang mga manonood nito.
  • Nakakamis ang umawit. Haaay. Iniwan ko na ba yun? Ayoko.
  • Wala talagang magandang naidudulot ang sigawan sa kahit anumang gawain.
  • Ang taong p a g o d, umiidlip sa bus pauwi. ^_^
  • Bukas hanggang Biyernes, gagabihin pa rin ako ng uwi. Huhu..

  • Gutom na ba ako?
  • Mahuhuli na naman kaya ako sa klase bukas?
  • Magising kaya ako sa tamang oras?
  • Matulog na kaya ako?

TAMA!...


You say... (0)

Post a Comment

go back home