i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Tuesday, June 06, 2006
di uso ang sumusuko!

QUITTERS NEVER WIN. tandaan ito.
______________________________________________


Nawala ang mahiwagang EAF (enrollment assessment form) ko. . .

iniwan ko lang naman siya don sa drawer pero nang tumingin ako don, WALA NA SIYA!
tsk tsk tsk. kailangan ko kaya yun. may cheke akong ipapa-incash at wa-epek yun kung wala ang aking EAF(sidetrack:yung para nga sa GMG, pinrint ko nlng ung sked ko sa myLaSalle kelangan din kasi yung eaf dun). . . alam ko namang pwede magpare-print ng EAF sa halagang 70php. pero hindi ko talaga matanggap na magbabayad pa ako at maghihintay ng ilang araw para lang makakuha ng bagong eaf. sayang din ang 70pesos ah, na pwede ko nang ipambili ng GMO-Chicken meal sa Tropical Hut, o kaya ng load na pangtxt, o kaya internet card, o kaya ipambayad sa pedicure o kaya pambili ng isang milyong siomai sa Agno!.. hahaha. . . walang sukuan!

kaya ano ang ginawa ko? ayun! halos baligtarin ko ang bahay namin kakahanap sa piraso ng papel na yon. mga dalawang araw ko ding binulatlat ang lahat ng envelope at folder na aking pwedeng hanapan ng EAF ko. pano ba naman kasi.. notorious ang nanay ko sa napaka-kawili-wili nyang ugali ng pagtatapon sa anumang papel na makita nyang nakakalat.(grrrr) pero teka, nasa drawer yun, so technically, di siya nakakalat! hahaha...(defensive!)

mabuti na rin siguro kasi nadiskubre kong bundok-bundok na pala ng basurang papel ang dapat ko nang idispatcha! mga test paper, reviewer, lecture, drawing, manila paper, folder, at kung anu-ano pang basura na mula pa sa high school! hahaha... kaya ayun. tapon! tapon! tapon!

wala talagang sukuan toh. malakas ang pakiramdam kong mahahanap ko din yon! *evil laugh*

matapos ang maraming oras ng paghahanap..... *CHEDENG!!!!!!!* nahanap ko din siya!... alam mo kung san ko nahanap??? dun sa mini cabinet sa ilalim lang mismo nung drawer na sinabi kong pinaglagyan ko. nandun siya, sa kasuluk-sulukan! sa pinakamadilim na bahagi kung saan walang normal na taong makakahanap sa kanya. doon sa kalikud-likuran! ! ! ! ! ! haller naman mga pips. panu naman siya lumanding don diba???... hahahaha....

wag na nating alamin yon. pero ang mahalaga ay hindi ako sumuko! naisalba ang 70 pesos ko! hahahaha... punta na tayong Tropical Hut! nyahahaha...
***


ang isa pang kwento tungkol sa hindi pagsuko ay ang paghahanap ko ng mumurahing sneakers!.. matagal ko nang inasam yun.(dahil likas akong kuripot at ayokong bumili ng orig eh.haha) kaya ayun! na-coerce ko sina Keren, Maple at Macmac na samahan ako kahapon sa Harrison Plaza. bwahahahah... after ten years. naka-jackpot din kmi! 200 lang. at ang kulay??? syempre, kulay-'Ariane'... pink at blue! wahehehe... =P

***
ang moral lesson dito ay... wag kang susuko agad. kahit mukhang malabo at minsan imposible man, kung desidido ka talaga, sugod lang! hahaha. . . malay mo.
ito pa pala. lesson din ito. HUWAG IKALAT ANG MAHAHALAGANG MGA BAGAY tulad ng EAF. hahaha. . . ^_^


You say... (5)
from Blogger Niko Batallones:

Kaya importante ang EAF eh. Parang ID. Buti na lang hindi siya offense.

Profound din to. Hehehe.

Naalala ko lang si Clarence. :p

9:28 PM

 
from Blogger My Pink Office:

speaking of id's and offenses... i already left mine twice na! kaya i must never leave it again. haha... and teka, db inal;is n yung offense dhil sa lost or left id? nyahahaha... ^_^

12:01 AM

 
from Blogger Niko Batallones:

Yep, hindi na siya offense. Hassle na lang. :)

3:15 PM

 
from Blogger Maple:

Sabi mo, quitters never win... eh panu ang mga prohibited drugs at smoking quitters?! d na sila mananalo? tsk tsk tsk.. =p

12:53 AM

 
from Blogger My Pink Office:

sa kasong yan naman, they never win if they quit trying to QUIT [the habit].. hahahaha...

that's what made them quitters.

getch? wahehehehe... =P

1:39 AM

 

Post a Comment

go back home