bakit ganon?
-yn2x
naninilid na mga luha sa mata
nais bumaba sa abang nagdurusa
bakit ba misyon ay hindi magawa
pati ba pagluha'y ipinagkakait pa?
muntik nang mabunyag, muntik nang masabi
sikretong matagal nang tinatangi
pinag-iisipan ang bawat sandali
inaabangan ang bawat pangyayari
masaya ba dito sa kinalalagyan?
ilaw ay hinahanap sa dinadaanan
sakit at dusa ay kalilimutan
sapagkat ako ay isa lamang kaibigan. . .
*lintik na mga luha yan, ayaw pumatak. . . pero eto na sila eh, ayaw lang talagang tumulo. bakit?? di daw siguro worth it.. bka nga. *
_________________________________________
sa lahat ng mapagmahal kong mga kaibigan, maraming salamat sa palaging pakikinig sa munting mga sigaw ng isang kaawa-awa. hindi ninyo batid na sa bawat isa sa inyong aking napagkukwentuhan ay tila gumagaan ang isang mabigat na problema na hindi ko naman talaga dapat iniisip pa...
_________________________________________
pabati portion:
jojo, maraming salamat dahil lagi kang handa na puntahan ako sa mga oras na kailangan kita. kahit kelan ikaw talaga ang matibay kong sandigan..
clarence, maraming salamat sa makabagbag-damdamin mong blog na inalay mo pa saken. hahaha. salamat din sa pakikinig at pag-unawa dahil alam kong nagkakaisa tayo sa damdamin.
kizia, maraming salamat sa pagsasabing Bingi siya. oo, baka nga bingi talaga siya.haha..narealize ko yun.
jana, maraming salamat sa pagsasabi ng ouch!.. naintindihan mo ko. haha.
mary, maraming salamat kasi kahit ano ang ikwento ko, lagi kang nakikinig at interesado. sobrang naaapreciate ko yun sayo.kuya denden, maraming salamat at kahit malabo ako ay nagpayo ka pa din.isa ka talagang kuya!astig.
gio, maraming salamat sa tiwalang binigay mo sa akin. ngayon ay close na tayo! haha.
maple, maraming salamat sa palagiang pagmamahal. milyong light-years man ay makakapag-usap pa rin tayo no matter what. mas matapang at matatag ako dahil sayo. labyu!
at sa lahat ng concerned. mahal ko kayo!. . .
(Nalalabuan - di makarelate?)
Sorry na po... wala ulit macomment. Hehe...
9:35 PM
yhannie! hellow! ayan, buhay na uli ang blogspot ko pero papalitan ko rin to next tym.. hehe.. wag ka na malungkot.. uupakan ko na tlga ung si ano e..haha.. luv u!
3:31 PM
Post a Comment
go back home