Labimpitong taong gulang na ako at sa loob ng panahong yon, napagisip-isip kong napakabulok talaga ng pulitika sa Pilipinas!!!
________________________________________________________
Lunes ngayon at wala na namang pasok. Katulad noong Biyernes, nakansela na naman ang pasok ng mga estudyante dahil sa gulong pampulitika. Don't get me wrong. Natutuwa ako dahil sa isa na namang beses ay naurong ulit ang exam sa FILIPI na dapat sana ay noong Friday pa. At dahil sa no-class-days na to ay nagkakaroon ako ng time para magpaka-bum sa bhay pag gabi.. hihi.. im such a procrastinator!. . .
Palagi na lang may gulo tungkol sa gobyerno, mga partidong nag-aaway, mga opisyal na nagsasalpukan, ultimo ang simbahan at militar ay madalas kasali din sa gulo. Naalala ko tuloy bigla noong bata pa ako at gusto kong maging presidente ng Pilipinas.. naku! di ko pa alam noon na isang malaking problema lang ang balak kong pasukin. dapat nga ay Law ang gusto kong kunin para maayos na ang aking political career! hahaha.. ngayon ay alam ko nang isang malaking kalokohan yon! hahaha... considering na every single person who gets put into position gets attempts to be ousted, goodluck naan diba? hehehe..
pero wag.. ang kapakanan ng bansa ay hindi isang bagay na tinatawanan lang. lahat tayo dapat alam ang mga nangyayari sa paligid. may kinalaman tayo dito noh. kaya mga kids, manuod tayo ng n e w s ! ! ! minsan di lang siya boring.. minsan nakakatawa din. nakaka-excite at nakakapagpatalino pa!
Tama, Ariane, manood tayo ng news! Dito mo lang mapagdedesisyonan kung may say ka sa mga isyung nakakaapekto sa ating buhay. Saka hindi naman talaga siya boring eh. Kailangan lang mag-isip! Haha...
Iboto si Ariane bilang presidente ng Pilipinas! (Tapos kapag nag state of national emergency ka patatalsikin ka nila ulit. Hmmm.)
6:07 PM
Post a Comment
go back home