i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Wednesday, February 22, 2006
di pa tapos!!!!!!!!!


Di ko pa nga pala nakkwento ang mga nangyari sa bertdey ni katotong Martin. Noon Lunes, Feb.20 ay kaarawan ni Martin. Sa pamamamagitan ng talento ni Jino sa pageedit (pmunta p yan smen nung linngo wag ka.Ü) at sa effort ng P.AnimalGurls, kami ay nakagawa ng video para sa celebrant. Binigyan din namen sya ng 5 petite at cute na cute na cakes.. Mahirap nga lang isurprise tong c Martin kc palaging sumusulpot at bumubulaga out of nowhere. Kelangan tuloy mag re-strategize plagi. haha.. (absent nga pla c Marcia, napilayan. tsk tsk)

Pagkatapos ay nanlibre sya sa Robinson's place at matapos sumakay sa taxi kung saan kami ay nagsiksikan (go Mary!), kami ay kumain sa Chef D' Angelo.. Payong kapatid, wag masyadong dalasan ang pag-eeksperimoento sa mga pagkaing di mo kabisado dahil, minsan ay maloloka ka lang. Yun kasi ang ginawa ko. Umorder ako ng pasta na di ko nmn tlga alam at ayun! Cguro nmn nahulaan mo na ang susunod dun. . . =P

Kami ay nagtungo sa Gbox para maglaro ng arcade games. Damn, di umubra ang PhotoHunt na pinagmamalaki ko pa naman kay Clarence.. Pero masaya ang maglaro ng barilan! hahaha.. Nakakagulat ang mga zombie at hyper-speed ninja na kelangan mong tamaan at patayiN! hahaha... Napalaro pa kami ni clarence dun sa game na ang kelangan mo lng gawin ay tumalon nang paulit-ulit para sa jump rope ng bunny sa loob nung game.. bwahaha.. kulet. Pag-uwi, todo chikahan kami ni Martin sa bus.. Happy Birthday ulet Martin!!

_____________________________________________________

Pero the worst is yet to come.. Wag ka. Pagkatapos ng saya, pagdurusa na! Hell is bound to break loose on me.. Got home at around 730 and . . .


You say... (1)
from Blogger Niko Batallones:

...ano?

Sabi sa amin sa FILIPI1 class mali daw kapag celebrant kasi pari lang daw gumagamit nun. Maniniwala ka bang birthday celebrator daw dapat?

Pero, walang magagawa. Parte na iyon ng kultura natin...

2:13 PM

 

Post a Comment

go back home