i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Thursday, January 26, 2006
akala mo kwentong pag-ibig


I was happy coz i wouldn't feel frustration for you wouldn't be able to scare me today.. but once i have realized it, you were calling out to me and making me want you more. . . as i saw people enjoying your company, i was very jealous. all i wanted was to be with you again. i know i was afraid of you before and i must admit that i still am, but sometimes you only realize something's worth when you don't have them with you anymore. . . someday soon ill be with u again. just you wait.

----> (yanyan on not being able to swim yesterday.. it's a gurl thing! =p )

. . .

Kaytagal kong naghintay at nawalan na ako ng pag-asa.. habang ang ulan ay nagababadya sa kalangitan at ang gabi ay nagsisimula nang lumalim, sa kadiliman at kalungkutang kinasasadlakan, bigla kang nagpakita... ako'y natigilan sa iaking kinatatayuan at biglang nag-isip ng malalim. sa budso ng damdamin ay bigla ang pumanhik at sumama sa iyo. ikaw na ang bahala na dalhin ako sa tamang patutunguhan. masikip at madilim ang gabi, ngunit sayo ay nahanap ko ang isang tagapagligtas na nagsilbing huling pag-asa.. muntikan na akong mahulog ngunit ang aking kapit ay pilit na hinigpitan upang di malaglag ng tuluyan.. ang hangin ng gabi ay dumadampi sa aking pisngi at ang kapaligiran ay alintana mula sa iyong kalooban. habang tayo ay napatigil ng sandali sa paglalakbay, aking pinagmasdan ang katangi-tanging ganda ng mundo sa gabi. bagamat ang tanawing iyon ay di naman kahahanapan ng kariktan ng karamihan, para sa akin ay wla nang mas gaganda pa dahil ikaw ang kasama. nang tayo ay nagsimula na ulit maglakbay, dahan-dahang bumuhos ang mga patak ng ulan na humalik sa aking mukha. napapikit na lamang at napabuntung-hininga.. nang sa wakas ay marating ko na ang destinasyon, ako ay bumababa at nagpaalam na sa iyo. maraming salamat sa iyong pagsaklolo sa naliligaw na kaluluwa. bagamat ang ating paglalakbay ay hindi naging madali, ginawa mo pa rin ang iyong tungkulin at tayo ay nagtagumpay. sa wakas ay makakauwi na ako.

--->( si ariane at ang pagsakay sa ordinary bus pauwi. )


You say... (2)
from Blogger Niko Batallones:

Bakit kailangang madrama ang mga post mo? I mean, ganun lang naman. Hahahaha. Ordinary bus + not swimming (at least gets ko kung bakit magdrdrama ka about not swimming)...

Pero akala ko narinig kita kahapon sa Sports Complex. Nandun kaya ako, nag-iikot. Wala lang. :p

3:50 PM

 
from Blogger My Pink Office:

yun nga ung masaya dun eh.. kala mo malalim pero hindi nmn pla! hahaha...

3:53 PM

 

Post a Comment

go back home