i can only say so much.
     
yanyan's stories. life as written by me.
Thursday, November 16, 2006
wretched wednesday

Yesterday was one big roller coaster ride of emotions.

Umaga. isang matinding away ang naganap. may mga sugat na makikita. pero ang dapat na katakutan at pagtuunan ng pansin ay yaong mga hindi nakikita ng mata- yoong mga sumusugat at nag-iiwan ng marka sa puso at isipan.mga luha ay pumapatak di dahil sa lungkot kundi dahil sa galit at poot. galit at poot. salamat at lalo akong tumatapang dahil dito.

Bago magtanghali. dalawang mayayabang na kalalakiha nang muntik nang umubos sa aking pasensiya. pinigilan ang sarili at sinubukan ang kabaitan. sampal marahil ang aabutin nila sa akin kung sila ay nagtagal pa. pasalamat sila may natutunan ako mula sa kanila. darkrum. darukrum. darkrum. salamat sa kaunting kaalaman.

Tanghalian. isang kaibigan ang nagparamdam. matagal nang hindi nakikita at nakakasama. isang sulyap sa nakaraan. sabay talikod. sabay tawa. salamat sa tanghalian.

Hapon. paglalakbay patungo sa malayong lugar. tinungo ang isang dayuhang palabas para madagdagan ang kaalaman. siguro para na rin tumakas sa mundo. nakakapagpalaya ang paglalakbay. salamat sa pagkamulat.

Gabi. mahiwagang musika ang pumalibot sa paligid. inamo ang nagngangalit na kaluluwa. napakaganda. pasko na. salamat. salamat. salamat!

Gabi. natapos ang pelikula at nagtulak na pauwi. sa daan ay nagpumilit tumulo ang mga nagtago at kunalimutang mga luha. salamat na lamang sa pagkontrol ko.

Gabi. isang lugar lang ang alam kong maaari kong takbuhan. sa kanya. siya. ligtas sa kanyang mga yakap. ligtas sa kanyang tabi. tahimik. mapayapa. mga luha'y pumatak ngunit nandiyan ka naman. salamat.


Nakakapagod.


You say... (5)
from Blogger Niko Batallones:

Uhm, I didn't see it that way. Nakooo Ariane, malalim pa ang iyong nararamdaman ng mga oras na yun.

Bilib pa rin ako sa Simon. Nakita ko siya sa IMDB! Film notes-able! Hahaha.

8:42 AM

 
from Blogger My Pink Office:

hah? ah eh. medyo naloss ako sa sinabi mo. haha. pero oo. saludo din ako sa "Simon". *palakpak*

^_^

10:19 PM

 
from Blogger Maple:

aww.. sinong umaway syo??? nakwento nya nga pla skn... haay.. sapakin ko sila/siya eh.. i hope ur ok now. *hug*

9:39 PM

 
from Blogger Niko Batallones:

Uhm, I mean, sa akin isa lang siyang paglalakbay at panonood ng sine. At, kung susundin ang sinabi ni Clarence, isang "date" (hehe).

Uhm. Hello Maple! Wala lang. Feeling friendly. Hahaha.

...nakakapanibago.

10:30 PM

 
from Blogger Maple:

hellow henrik! kamusta ka naman?! wahehe! :P

10:42 PM

 

Post a Comment

go back home